Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni Kirsten Holmberg

Parehong Totoo

Muling nakasama ni Feng Lulu ang tunay niyang pamilya matapos ang tatlong dekada. Batang-bata pa lang siya noong dinukot siya habang naglalaro sa labas ng bahay nila. Nahanap siya sa tulong ng grupong All China Women’s Federation. Hindi natandaan ni Feng Lulu ang masamang pangyayari at lumaki siyang iniisip na ipinagbili siya dahil hindi kaya ng mga magulang na kupkupin…

Pagpipigil Sa Sarili

Sinimulan ang pag-aaral na tinatawag na marshmallow test noong 1972 para suriin ang kakayahan ng mga bata na ipagpaliban ang pagpapasaya sa sarili. Binibigyan ang mga bata ng isang marshmallow at sinasabihang kung hindi nila ito agad kakainin, bibigyan sila ng isa pang marshmallow pagkatapos ng sampung minuto.

Sinusuri dito kung kaya ng mga batang ipagpaliban ang pansariling kasiyahan. Isa sa tatlong bata…

Pumili Nang Matalino

Gumawa ng mahirap na pasya ang astronaut na si Chris Ferguson bilang commander ng grupong nakatakdang magpunta sa International Space Station. Pero walang kaugnayan ang desisyong iyon sa mechanics ng flight nila o sa kaligtasan ng mga kasamahan niya. Sa halip ito ay tungkol sa itinuturing niyang pinakaimportante niyang tungkulin: ang pamilya niya. Pinili ni Ferguson na manatiling nasa lupa para makarating sa kasal…

Kapag Nagsama-sama Tayo

Ang Denmark ay isa sa pinakamasasayang bansa sa mundo, ayon sa World Happiness Report. Hinaharap ng mga tagaroon ang mahahaba at madidilim na taglamig sa pamamagitan ng sama-samang pagkain o pag-inom ng mainit na inumin. Ang salitang ginagamit nila para sa emosyong kaugnay ng mga sandaling iyon ay hygee (hoo-gah). Tinutulungan sila ng hygee para gumaan ang epekto sa kanila ng mas…

Ipasa Ang Katotohanan

Dahil sa panganib ng COVID-19, hindi nakapagkita nang personal ang mga maglolo at maglola. Maraming gumawa ng bagong paraan para makakonekta. Isang survey ang nagpakita na maraming may-edad ang nasanay na sa pagte-text at social media para lang manatili ang koneksyon nila sa mga apo nila. May mga sumamba pa nga kasama ang mga pamilya sa pamamagitan ng video call.

Isa sa pinakamagagandang…